Wala pang idinedeklarang ‘areas of concern’ ang Commission on Elections para sa 2022 National at Local Elections.
Ito ang nilinaw ni COMELEC Spokesman James Jimenez sa gitna ng kumakalat na balitang idineklara nila ang basilan bilang “hotly contested” area.
Ayon kay Jimenez, sa halip na “hotly contested” ay area of concern o immediate concern ang ginagamit nilang termino.
Tila tumutukoy anya sa “hotly contested” ay ang political landscape at hindi ang security situation ng isang partikular na lugar.
Ipinunto ni Jimenez na ang pagdedeklara ay isinasagawa ng security committee sa Maynila at mismong national committee naman ang maglalabas ng final list ng areas of concern.