Muling nanawagan si Commision on Elections Chairman Andres Bautista sa publiko na bumoto sa darating na eleksyon.
Sa panayam ng DWIZ, binigyang diin ni Bautista na tungkulin ng mga botante ang responsableng pagboto habang ang responsableng pagbilang naman aniya ang kanilang obligasyon.
Gayunman, kumpiyansa siyang mas dadami ang mga botanteng makikilahok sa eleksyon kumpara sa mga nagdaang halalan.
Batay sa tala ng COMELEC, mahigit sa 50,000 botante ang nagparehistro para sa halalan sa Mayo.
“Sa aming palagay naman nag improve na pero hindi mo masasabi na lahat ay bumoboto ngayon dahil inaalam nila ang track record, mga plataporma pero dahan dahan sa aming palagay na doon tumutungo. Tungkulin ng mga botante na bumoto ng tama, ang tungkulin naman ng COMELEC bumilang ng tama, ” ani Bautista.
By: Allan Francisco