Hinikayat ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting o PPCRV ang publiko na tutukan ang Vice Presidential debate mamayang hapon.
Sa pamamagitan nito, ayon kay PPCRV National Chairperson Tita de Villa, makikilala ng husto ng mga botante ang mga kandidato sa pagka-bise presidente.
Binigyang-diin ni De Villa na hindi dapat maliitin ang tungkulin ng isang pangalawang pangulo dahil kung anuman ang mangyari sa pangulo ay siya ang papalit sa kapangyarihan.
By: Meann Tanbio