Wait and see pa ang COMELEC sa kahilingan ng Chinese Government hinggil sa pagsasagawa ng Overseas Special Elections sa Shanghai.
Sa gitna na rin ito ng mahigpit na pagpapatupad ng lockdown sa China dahil sa mataas na kaso ng COVID-19.
Ipinabatid ni COMELEC Acting Spokesperson John Rex Laudiangco, hiniling na nila sa China ang go signal para maituloy ang botohan sa Shanghai na hindi pa naman tinutugunan ng nasabing bansa.
Nasa halos 2,000 Filipino Overseas Voters ang nasa Shanghai.