Hinikayat ng isang mambabatas ang Commission on Elections (COMELEC) na muling magsagawa ng mock elections sa darating na Halalan 2022.
Ito ay matapos mailatag sa pagdinig ng Joint Congressional Oversight Committee (JCOC) on automated elections ang ilan sa technical issues na naobserbahan sa mock elections noong December 2021.
Ilan dito ay ang rejected ballots dahil sa smudges ng marking pen, paper jam, misread ballots at mga problema sa moist na balota.
Ayon kay JCOC Co-Chairperson Representative Elpidio Barzaga Jr., kailangang matiyak na pulido ang proseso sa magiging halalan sa Mayo.
Sinabi naman ni COMELEC Commissioner Marlon Casquejo, na titingnan nila kung makakayanan pa ng schedule ng poll body ang isa pang mock elections.
—sa panulat ni Abby Malanday