Hiniling sa Korte Suprema ng Commission on Elections (COMELEC) na mapagbigyan pa sila ng karagdagang panahon upang maihain ang kanilang kumento sa petisyong inihain ni Senador Grace Poe sa mataas na hukuman.
Ito ay kung saan hinihiling na mapawalang bisa ang naging desisyon ng COMELEC na nagdidiskwalipika kay Poe para makatakbo sa 2016 presidential elections.
Sa pitong pahinang manifestation with very urgent motion for extension of time to file comment, ipinaliwanag ni COMELEC Chairman Andy Bautista na kahapon lamang nila nakuha ang petition na isinampa ni Poe sa Supreme Court na personal na kinuha ng kanilang Clerk of Court ng COMELEC legal department.
Iginiit ni Bautista na kapos na sila ng panahon para makatugon sa January 7 deadline na itinakda ng High Tribunal para ihain ang kanilang komento.
By Meann Tanbio | Bert Mozo (Patrol 3)