Ibinaba ng Commission on Elections (COMELEC) ang kanilang hinihiling na pondo para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election sa 4 billion pesos mula sa 10 billion pesos.
Nabatid na ipinagpaliban ang deliberasyon sa panukalang 2023 budget ng poll body dahil sa kabiguan nitong magbigay ng mga nasabing dokumento.
Ayon kay COMELEC Commissioner George Garcia, isinumite na niya kay Senator Imee Marcos ang mga kinakailangan para rito kaya’t umaasa sila na matuloy ang pagdinig sa kanilang pondo.
Binigyang-diin naman ng commissioner na mahihirapan ang ahensya sa supervision at pagsasagawa ng eleksyon sakaling makokompromiso ang pondo dahil importante aniya ito.