Ibinasura ng Commission on Elections (COMELEC) ang election protest na inihain laban kay Manila mayor Honey Lacuna.
Sa kautusang inilabas ng komisyon noong Huwebes at isinapubliko kahapon, ibinasura nito ang alegasyong “Massive Acts of Vote Buying” na isinampa ni Mayoral candidate at lawyer Alex Lopez laban kay Lacuna.
Sa kasagsagan ito ng halalan noong Mayo kung saan nagwagi sa pwesto si Lacuna na nakakuha ng mahigit 500,000 boto kumpara sa mahigit 166,000 boto ni Lopez.
Ayon sa COMELEC, walang sapat na dokumento at patunay na ipinakita si Lopez na sangkot sa pagbili ng boto ang bagong Alkalde ng Maynila.
Ikinatuwa naman ni Lacuna ang desisyon ng COMELEC.