Iginagalang ng Commission on Elections (COMELEC) ang desisyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pag-veto ng panukalang batas na layong i-exempt ang honoraria ng mga poll worker sa taxation o buwis.
Ayon kay COMELEC acting Spokesperson John Rex Laudiangco, nasa kapangyarihan naman aniya ng pangulo na i-veto ang mga bagay na ito.
Giit pa niya na nabanggit din sa veto message ni Marcos Jr. na tinitingnan nito ang pangkalahatang sitwasyon ng bansa at ikinokonsidera ang equal protection clause.
Gayunpaman, sinabi ni Laudiangco na maaaring i-refine ang panukalang batas upang mapakinggan ang naturang panawagan ng mga poll worker.