Personal na iinspeksyunin ng ilang opisyal ng Commission on Elections (COMELEC) ang ginagawang election machines sa Taiwan.
Kasunod na rin ito nang pagtulak pa-Taiwan ng COMELEC officials.
Sinabi ni COMELEC Chairman Andres Bautista na priority nilang matingnan kung nasusunod ang tamang security features at kung kakayanin itong matapos sa loob ng kanilang time table.
Inaasahang matatapos aniya ang delivery ilang buwan bago ang eleksyon kaya’t may pagkakataon pa para sa ibang test.
By Judith Larino