Maka-a-asa ang publiko na lalo pang pag-iibayuhin ng Commission on Elections o COMELEC ang pagbibigay ng transparent at kapani-paniwalang serbisyo
Ito ang reaksyon ng COMELEC makaraang makakuha ng positibong marka sa sincerity ratings ng Social Weather Stations o SWS sa paglaban sa katiwalian
Ayon kay COMELEC Spokesman Director James Jimenez, patunay aniya ng nasabing survey na napangalagaan nila ang tiwala ng publiko
Magugunitang nakakuha ng negative 6 ang COMELEC sa nakalipas na sincerity ratings ng SWS kumpara sa positive 12 ngayong taon
Isinagawa ang nasabing survey mula Pebrero hanggang Mayo ng taong ito kung saan, kabilang ang COMELEC sa ibang mga ahensya ng gubyerno tulad ng DOH, AFP at Department of Agriculture
By: Jaymark Dagala / Allan Francisco