Inaasahan ng Commission on Elections (COMELEC) ang mas mataas na turnout sa overseas voting ngayong darating na eleksiyon sa Mayo 9.
Ayon kay COMELEC Commissioner Marlon Casquejo, sa unang pa lamang ng overseas voting ay dumagsa na ang mga nais bumoto kung kaya’t inaasahan na ang mas mataas na turnout ngayon taon kumpara noong 2016 at 2019 Elections.
Nabatid na halos 1.7 million na pilipinong naninirahan sa ibang bansa ang registered voters kung saan lagpas ito sa kanilang target na higit 30%.