Inaasahang sasampa sa 64 milyon ang rehistradong botante pagsapit ng katapusan ng isang buwang extension ng voter registration sa Oktubre 31.
Batay ito sa projection ng Commission on Elections (COMELEC) na iprinesenta sa senate deliberation ng kanilang proposed P26.7 bilyon 2022 budget.
Una nang inihayag ni COMELEC Chairman Sheriff Abas, halos kalahati ng pondo ay gagamitin sa May 9, 2022 national at local polls.
Tinaya naman ni COMELEC Director Divine Blas-Perez sa 6.1 milyon new voters ang nagparehistro noong Agosto 2019 hanggang nitong Setyembre bago palawigin ang registration hanggang October 31.
Hanggang noong September 30 anya ay aabot na sa 63,678,418 ang kabuuang bilang ng mga rehistradong botante.
Naniniwala si Abas na aabot sa karagdagang kalahating milyong botante ang magpaparehistro hanggang katapusan ng buwan lalo’t bukas pa rinng Sabado ang mga COMELEC satellite office o noong Oktubre 16 at 23. —sa panulat ni Drew Nacino