Mahigit 3 milyong bagong voter registrants na ang inaprubahan ng Commission on Elections (Comelec).
Ayon kay Comelec Commissioner Rowena Guanzon, tinatayang 3,222,137 na mga aplikasyon na ang natanggap nila sa nakalipas na anim na buwan.
Dahil naman sa idineklarang modified enhanced community quarantine o MECQ, suspendido pa rin ang voter registration hanggang Mayo 14 sa National Capital Region o NCR Plus na kinabibilangan ng Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal.
Pagkatapos naman ng mahigpit na quarantine measures sa NCR Plus at iba pang lugar sa bansa, inaasahang magpapatuloy ang voter registration.
Magtatapos naman ang pagpapatala ng mga bagong botante hanggang Setyembre 30, 2021.