Naglabas ng direktiba ang Commission on Elections en Banc para tugunan ang mga karaniwang problema sa ongoing voter registration, partikular na ang mahabang pila at mahigpit na pagpapatupad ng minimum public health standards.
Ayon kay acting Poll Spokesperson Rex Laudiangco, inatasan ng Comelec en Banc ang Office of the Deputy Executive Director for Operations and Election and Barangay Affairs Department na makipagtulungan din sa mga field offices upang mapahusay ang off-site at satellite registration partikular sa mga mall para sa kaligtasan at convenience ng publiko.
Dagdag pa niya, ipinag-utos din ng COMELEC en Banc ang pagpapatuloy ng public information drives para sa isinasagawang voter registration.
Noong Lunes ng sinabi ng ahensya na medyo mataas ang turnout ng mga aplikante sa unang araw ng pagpapatuloy ng voter registration sa buong bansa.
Nabatid na nagsimula ang pagpaparehistro ng mga botante noong July 4 hanggang 23, 2022.