Maaaring tumakbo sa alinmang posisyon sa gobyerno ang isang convicted o napatawan na ng sentensiya sa isang kaso ng hindi hihigit sa 18 taon.
Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, batay kasi sa Omnibus Election Code, awtomatikong disqualified na sa pagtakbo ang sinumang kandidato na nahatulan na ng higit isang taon at anim na buwan o sa anumang kasong maituturing na moral turpitude, maliban na lamang kung napagkalooban ito ng pardon o amnesty.
Maliban dito, sinabi ni Jimenez na ang korte suprema lamang ang maaaring magdeklara kung ang isang kaso ay may kinalaman sa moral turpitude.—sa panulat ni Hya Ludivico