Inihayag ng Commission on Elections (Comelec) na nagsasagwa na ang ahensya ng sariling imbestigasyon kaugnay sa nangyaring aberya sa mga Vote Counting Machine (VCMs) at (SD) cards noong araw ng Halalan.
Ayon kay Comelec acting spokesperson John Rex Laudiangco, pinag-aaralan na ng National Tech Support Center ang mga ticket at nakipagpulong na rin ito sa Department of Information and Communications Technology (DICT).
Nabatid na hindi bababa sa 1,800 VCMs at SD cards sa 1,867 polling precints ang nagka-aberya noong botohan.