Inilabas na ng Commission on Elections (COMELEC) ang new normal manual para sa May 2022 National at Local Election.
Sa website ng ahensya makikita ang manual kung saan kabilang dito ang guidelines na dapat i-obserba ng mga botante sa araw ng election.
Kaugnay nito, ang standard protocol ay ang mga sumusunod:
* Pagsusuot ng face maks, face shield at pagsunod sa minimum public health standards habang nasa loob ng voting center.
* Pagsasailalim sa non-contact temperature check.
* Pagsunod sa isang metrong physical distancing
* Pagpunta sa voter’s assistance desk para makakuha ng presinto at sequence number.
*Magpatuloy sa lugar ng botohan at mag-sanitize ng kamay.
*Ibigay ang numero ng presinto at sequence number at bumoto.
– sa panulat ni Airiam Sancho