Inihayag ng Commission on Elections (COMELEC) na tuloy pa rin ang voter registration kahit na maisapinal ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Disyembre.
Sinabi ni COMELEC Chairman George Garcia, gagawin nila ito dahil nasa pito hanggang siyam na milyong kwalipikadong botante ang hindi pa nakakapagrehistro.
Ginawa ni Garcia ang pahayag kasunod ng pag-apruba ng kamara at senado sa huli at ikatlong pagbasa ang panukalang pagpapaliban ng BSKE.
Samantala, binigyang diin ni Garcia na kahit ano pa ang maging desisyon ng pangulo, muling maglalatag ng voters’ registration ang komisyon mula Nobyembre ngayong taon hanggang sa Hunyo ng susunod na taon.