Ipinatutupad ngayong araw hanggang bukas sa Commission on Elections (COMELEC) Main Office, opisina ng Regional Election Director for National Capital Region 4A at Region 4B gayundin sa Office of the Election Officer, City of Manila ang work from home set up.
Batay sa abiso ng COMELEC, ito ay dahil na rin sa mga isasarang mga kalsada at heightened security measures na paiiralin ng Philippine National Police (PNP) sa lungsod ng Maynila simula June 27 upang bigyan-daan ang isasagawang inagurasyon ni President-Elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.
Sinuspindi rin ang mga trabaho sa nabanggit na mga opisina sa june 30 alinsunod na rin sa nilagdaan ni outgoing manila mayor isko moreno domagoso na executive order na nagdedeklara na ang nasabing petsa ay Special Non-Working Holiday sa buong Maynila.