Maaari nang makakuha ng voter’s certification sa tanggapan ng Commission on Election (COMELEC) simula sa Lunes, ika-15 ng Hunyo.
Sinabi ng COMELEC na makukuha ang certification sa tanggapan nila sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) at modified general community quarantine (MGCQ), maliban lamang sa Cebu City, Talisay City at Mandaue City.
Ang voter’s certification ay libre para sa mga senior citizen, persons with disabilities (PWDs) at Indigenous People (IPs), gayundin sa mga residente ng Mindanao.