Nanawagan sa kongreso ang Commission on Elections (COMELEC) na magpasa ng batas na mag-oobliga sa Office of Civil Registry na ibigay ang death certificates sa poll body upang mapabilis ang paglilinis ng listahan ng mga botante.
Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, mahirap i-update ang listahan ng mga registered voter dahil ang isang botante sa isang partikular na lugar, gaya nalang halimbawa sa Camarines Sur, ay maaring mamatay sa lungsod ng Maynila.
Nilinaw ng opisyal na sa sitwasyong iyon, ang Office of Civil Registry sa Maynila ay hindi isasama ang pangalan ng namatay na tao mula sa camarines sur kapag nagsumite ng quarterly na listahan sa lokal na COMELEC.
Mababatid na ito ay dahil ang namatay na tao ay botante Sa Camarines Sur at hindi sa Lungsod ng Maynila.