Patay na at hindi na maaaring buhayin gamit ang signature sheets ang planong pag-amyenda sa 1987 Constitution.
Ito ay matapos ipatigil ng Commission on Elections (Comelec) ang signature drive para sa People’s Initiative.
Ayon kay Comelec Chair George Garcia, batay sa kanilang initial assessment, kailangan munang repasuhin, pahusayin, at dagdagan ang mga probisyon sa kasalukuyang rules and regulations (IRR) ukol sa People’s Initiative upang maiwasan ang pagkalito at maling interpretasyon sa batas.
Aniya, “mere scrap of papers” o wala nang halaga ang signature sheets dahil wala pa itong valid petition.
Samantala, itatago naman ang mga naipasang signature sheets sa mga lokal na opisina ng Comelec.
Kung nais naman bawiin ng proponents ang kanilang signature sheets, tiniyak ni Chairman Garcia na ibibigay ito ng Comelec.