Isinusulong ng Commission on Elections (Comelec) ang pagpaparehistro sa mga poll watcher ng mga partidong politikal at mga kandidato.
Ayon sa kay Commissioner Ernesto Maceda Jr., head ng Comelec Task Force Against Vote-Buying, dapat nakarehistro ang mga watcher ng mga lokal na kandidato sa bansa para matukoy kung sino talaga ang mga nagbabantay sa oras ng botohan.
Sinabi ni Maceda na bahagi ito ng paglaban sa “vote buying” tuwing eleksiyon kung saan, kada may insidente ng bayaran kapag halalan, palaging nagiging dahilan ng mga nahuhuli ay binabayaran lamang nila ang kanilang mga watchers.
Dagdag pa ni Maceda, mas mainam ito para maiwasan ang dayaan tuwing eleksiyon.