Mariing itinanggi ng Commission on Elections o COMELEC ang mga ulat na umano’y vote switching sa mga makinang gagamitin sa eleksyon.
Ito’y makaraang maglabasan ang mga ulat sa social media hinggil sa nangyaring pagkakaiba umano ng pangalan ng kandidato na lumabas sa makina kumpara sa ibinoto ng mga botante sa Lanao del Sur at Mati City, Davao Oriental.
Ayon kay COMELEC Chairman Andy Bautista, batay sa isinagawa nilang imbestigasyon, walang nangyaring ganoong insidente sa nasabing mga lugar.
Kasalukuyan na aniyang hawak ng COMELEC ang sertipikasyon mula sa technical evaluation committee hinggil sa kredibilidad ng makina.
Hinala ni Bautista, gawa-gawa lamang ang mga inilabas na larawan ng resibo sa pamamagitan ng paggamit ng photoshop.
By Jaymark Dagala