Iginiit ng Commission on Elections o COMELEC na mayroon na silang natanggap na limang petisyong nagkakansela sa mga Certificate of Candidacies ng ilang nais tumakbo para sa 2025 midterm elections.
Ayon kay COMELEC Chairperson Atty. George Garcia, ang mga nais kumandidato na mga ito ay idineklara nang permanenteng disqualified ng Office of the Ombudsman mula sa paghawak ng public office.
Dagdag pa ni Chairman Garcia, isusumite ng COMELEC Clerk of Court ang mga petisyon sa kanilang law department na magbibigay ng rekomendasyon sa COMELEC en banc para sa gagawin nitong nararapat na hakbang.
Nilinaw naman ng poll body chief na mayroong tatlong dahilan upang ma-kansela ang kandidatura ng indibidwal na nais tumakbo.
Kabilang na rito ang dahil sa edad; citizenship; registration bilang botante; at desisyon mula sa Ombudsman para ma-disqualify ang isang aspirant.