Kinumpirma ng Commission on Elections (Comelec) siyam sa sampung tatakbo sa pagka-Pangulo ang dadalo sa Comelec Pilipinas debates.
Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, nitong linggo, kabilang sa presidential bets na dadalo ay sina dating Foreign Affairs undersecretary Ernesto Abella, labor leader Leody De Guzman, Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, Senator Panfilo Lacson, dating Defense Secretary Norberto Gonzales, negosyanteng si Faisal Mangondato, Dr. Jose Montemayor, Jr., senator Manny Pacquiao, at vice president Leni Robredo.
Ang mga nasabing presidential debate ng Comelec ay gaganapin sa March 19 at April 3.
Habang ang townhall events para sa presidential at vice presidential bets ay gaganapin sa Abril 23 at 24. Ang lahat ng mga kaganapan ay maaaring mapanood online o sa TV o sundan sa radyo.
Ayon kay Jimenez, na kumpirmado namang dadalo sa debate ang pitong vice presidential candidate kabilang dito sina Propesor Walden Bello, Rizalito David, Manny Lopez, Willie Ong, Senator Francis Pangilinan, Carlos Serapio, senate president Vicente Sotto III
Ang naturang vice presidential debate ng Comelec ay gaganapin sa March 20.