Kumpiyansa ang Commission on Elections (Comelec) na sasampa sa mahigit 60 milyon ang bilang ng mga registered voters bago matapos ang registration sa Setyembre 30 ngayong taon.
Ayon kay Comelec Commissioner Antonio Kho Jr., mas pinaiigting pa nila ang mga ginagawa nilang hakbang upang mahikayat ang publiko na magprehistro at maging madali sa kanila ang pagpaparehistro.
Kabilang sa mga tinukoy ni Kho ay ang i-rehistro kung saan maaaring i-download ang aplikasyon at magtungo sa Offices of Elections Officer (OEOs) habang nakalatag din ang mga satellite registration offices sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Umaasa naman si Kho na magiging maayos ang lahat ng prosesong ginagawa nila upang madagdagan pa ang bilang ng mga botante para sa May 2022 National and Local Elections.