Kuntento ang Commission on Elections (COMELEC) sa naging kinalabasan ng voter registration sa unang linggo ng pagsisimula nito.
Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, unang araw pa lamang ng pagbubukas ng registration ay pinilahan na ito ng mga botante.
Pinakamarami aniyang nagparehistro sa unang linggo ay sa Metro Manila.
Kasabay nito, hinimok ni Jimenez na magparehistro na ang mga botanteng hindi pa nakakapag pa-register.
Tatagal pa aniya ang voter’s registration hanggang September 30.