Lilimitahan ng Commission on Election (Comelec) ang bilang ng mga taong papayagan makapasok sa canvassing venue sa darating na halalan 2022.
Ito’y batay sa inilabas na panuntunan sa Resolution 10731 na binuo nitong Nobyembre 17, inisa isa ng Comelec ang mga health and safety rules sa mga board of canvassers.
Nakasaad sa naturang resolusyon na isang representante lamang sa bawat partido at isa ring representante ng independent candidate o ng kandidato ang papayagan na makapasok sa canvassing venue.
Habang isang counsel sa bawat kandidato at watcher lang din ang papayagan sa nasabing venue.
Kailangan rin na fully vaccinated ang mga board of canvassers at ang mga hindi pa nakakumpleto ng bakuna ay obligadong sumailalim sa antigen test.
Samantala, nakatakdang isagawa ang national at local elections sa bansa sa a nuebe ng mayo sa susunod na taon.