Naghahanap na ng bagong civilian partner ang Commission on Elections (Comelec).
Ito ay matapos na tanggihan ng National Citizens’ Movement for Free Election (NAMFREL) ang pagsisilbi bilang citizen arm ng komisyon.
Inirereklamo ng NAMFREL ang limitadong access sa transparency server at iba pang panggagalingan ng resulta ng halalan na ibibigay ng Comelec.
Nasurpresa naman ang Comelec sa pag-atras ng NAMFREL na aktibo pa nilang nakakasama sa random manual audit simula pa nuong Oktubre ng nakaraang taon.