Ikinakasa na ng COMELEC ang kanilang report hinggil sa ginawang pagbabago ng Smartmatic sa hash code ng kanilang transparency server sa PPCRV.
Inihayag ito ni COMELEC Chairman Andres Bautista matapos bumuo ng task group na bubusisi sa soft at hard copy ng mga certificates of canvass.
Sinabi ni Bautista na nakitaan nila nang paglabag ang Smartmatic batay sa kanilang preliminary findings nang hindi ito humingi ng pahintulot sa mga nakatataas na opisyal ng poll body para baguhin ang hash code sa kasagsagan ng canvassing.
Muli namang tiniyak ni Bautista na walang epekto sa resulta ng botohan ang pagpapalit ng hash code kung saan, binago ang letra na n sa ñ na hindi kinikilala ng sistema kaya’t lumalabas ang question mark
By: Jaymark Dagala