Magsasagawa ng mock elections ang Commission on Elections (COMELEC) bago matapos ang taon bilang bahagi ng paghahanda sa Halalan 2022.
Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, isasagawa ito sa huling linggo ng Disyembre, ngunit hindi na nito binanggit ang eksaktong petsa.
Aniya, bago ang mock polls ay magsasagawa rin sila ng field test.
Kabilang sa mga oobserbahan sa mock elections ay ang pagpila ng mga botante upang makita ang kanilang aktwal na pagkilos ngayong may pandemya.
Noong nakaraang buwan ay nagdaos ng voting simulation ang COMELEC na isinagawa sa San Juan Elementary School. —sa panulat ni Hya Ludivico