Magsasagawa ang Commission on Eections o COMELEC ng voting simulation bukas, 23 ng Oktubre.
Ito ay bahagi ng paghahanda para sa national and local election para sa susunod na taon.
Ang nasabing voting simulation ay gagawin sa san juan elementary school sa San Juan City mula alas-10 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon.
Ayon kay COMELEC Spokesman Dir. James Jimenez, apat na classroom ang gagamitin para magsilbing polling precinct habang may tatlong holding area sa mahigit 3,500 test voters.
Layunin nitong matukoy ang oras ng proseso magmula sa pagkuha ng pangalan ng mga botante hanggang sa makaboto ang mga ito.
Bukod dito, magtatalaga rin ang COMELEC ng Emergency Accessible Polling Place o EAPP para sa mga nasa vulnerable sector, kagaya ng Persons With Disability, senior citizens at mga buntis.
Sinabi rin ng COMELEC na ang lahat ng kalahok sa gawain ay kailangang magsuot ng face mask at face shield habang nasa loob ng voting center at polling place, obserbahan social distancing.