Magsasampa ng kaso ang Commission on Elections (COMELEC) laban sa mga mananagot para sa mismanagement ng 2022 poll items na itinapon at natagpuan sa Cavite.
Ayon kay commissioner George Garcia, sasampahan nila ng kaso ang talagang may pananagutan o in-charge sa tinatawag na chain of custody.
Nabatid na nakitang itinapon sa bakanteng lote sa bayan ng Amadeo, Cavite ang mga kahon ng training ballots, election paraphernalia at voting receipts.
Dahil dito, sinabi ni garcia na dapat magpaliwanag ang F2 logistics kung bakit ang naturang mga kahon ay nakarating sa Cavite.