Makikipagtulungan na ang Comission on Election (COMELEC) sa IATF at Health experts para pag-aralan at paghandaan ang posibleng maging epekto sa ipatutupad na health protocols laban sa Omicron variant sa paparating na 2022 national and local elections.
Nauna nang naglabas ng health protocols ang COMELEC pero maaari pa itong baguhin dahil sa panibagong virus.
Sa ngayon, pinag-aaral na ng Komisyon ang ipatutupad na seguridad sa mga botante o mga boboto maging sa mga Electoral Board Members para maiawasan ang Omicron variant.
Posible naman magkaroon ng cancellations ng botohan sa ilang lugar sa bansa bunsod ng panibagong variant.
Samantala, nanganganib namang maalis sa balota ang nasa 82 kandidato sa pagkapangulo, 15 kandidato sa pagkabise-presidente at 108 kandidato sa pagkasenador dahil sa pagkwestiyon sa kanilang aplikasyon at eligibility. —sa panulat ni Angelica Doctolero