Nanindigan si Commission on Elections (COMELEC) Chairman Andres Bautista na ligal at dumaan sa tamang proseso ang panukalang ilipat sa mall ang ilang presinto sa elekyon.
Ayon kay Bautista, sa 100 mall na sumali sa kanilang public hearing, 80 sa mga ito ang nagpahayag ng kagustuhang makiisa sa eleksyon, bilang mga presinto.
Binigyang diin ni Bautista na ang eleksyon sa mall ay isa sa mga bagay na nais nilang baguhin, lalo na at para naman ito sa convenience ng mga botante.
Bahagi ng pahayag ni COMELEC Chairman Andres Bautista
Overseas Absentee Voting
Tiniyak ni COMELEC Chairman Andres Bautista na susunod sila sa utos ng Korte Suprema.
Kaugnay ito sa una nang pagbabawal ng COMELEC sa mga kandidato sa national positions sa pangangampanya sa ibang bansa dahil nagsimula na ang overseas absentee voting.
Ipinaliwanag ni Bautista na pinagbawalan lamang nila ang pangangampanya sa labas ng bansa, dahil wala na dapat nangangampanya, kapag nagsimula na ang botohan.
By Katrina Valle | Ratsada Balita