Umaasa ang Commission on Elections o COMELEC na maka-uukit sila sa kasaysayan ng halalan sa bansa.
Ito’y sa pagtatapos ng serye ng Pili-Pinas Debates para sa mga kandidato sa pagka-pangulo gayundin sa pangalawang pangulo.
Ayon kay COMELEC Chairman Andy Bautista, nagpapasalamat sila sa mga botante na matamang nakinig at nag-usisa sa takbo ng mga nakalipas na debate.
Malaking bagay aniya ito upang mai-angat ang kamalayan ng mga Pilipino hinggil sa pag-uugali, plataporma at kakayahan ng kanilang mga napupusuang kandidato.
Malaking tulong aniya ang mga debate para masuring maigi kung sino ang sa tingin ng publiko na karapat-dapat mamuno sa bansa sa susunod na anim na taon.
By Jaymark Dagala