Binalaan ng COMELEC ang mga kandidatong hindi pa nagpapasa ng kanilang official website at social media links gayung dagsa na ang kanilang campaign advertisement sa internet.
Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, maituturing na election offense ang hindi pagsusumite ng kandidato ng official website at social media link nito sa ahensya.
Inihalimbawa ni Jimenez na kung may website link ang isang kandidato na nagpalabas ng isang campaign advertisement at napatunayang may nilabag base sa COMELEC resolution na may kaugnayan sa pangangampanya gamit ang internet, maaapektuhan nito ang record ng kandidato lalo na kung hindi naman umapela ng concerned candidate.
Kung mayroon aniyang lumabas na violative campaign advertisement sa internet subalit galing ito sa isang bogus website, maaarig mapawalang sala ang kandidatong pinangalanan dito.
Una nang inihayag ni Jimenez na batay sa kanilang official record, mas maraming local candidates sa May 13 midterm elections ang nakapagpasa na ng link ng kani kanilang official website at social media site.