Nagbabala ang Commission on Elections (COMELEC) sa mga nanalong kandidato na hindi sila makakaupo sa pwesto kung mabibigo sila na maghain ng kanilang Statement of Contribution and Expenditures (SOCE).
Ayon kay COMELEC spokesman James Jimenez, mayroon lamang hanggang Hunyo 13 ang mga nanalo at natalong kandidato para maghain ng kanilang SOCE.
Mayroon namang anim (6) na buwan ang isang nanalong kandidato simula noong siya ay i-proklama para magsumite ng SOCE bago siya payagang maupo sa pwesto.
Ang mga kandidato at partido na mabibigong magsumite ng SOCE ay mahaharap sa kasong administratibo.