May power o kapangyarihan ang Commission On Elections para pagbigyan ang petisyon ng Administration Party PDP-Laban Cusi Wing na palawigin pa ang filing ng Certificate Of Candidacy. Ito ang inihayag ni Senate President Tito Sotto III.
Ayon kay Sotto, maaari namang hindi ito maka apekto sa pagdaraos ng eleksyon sa mayo kung ang target at habol ng petisyon ng PDP-Laban Cusi Wing ay may maipasok pa silang kandidato sa 2 posisyon.
Matatandaang walang pambato ang administrasyon sa pagkapangulo at pangalawang pangulo.
Gayunpaman sinabi ni Sotto na handang umaksyon ang senado sakaling magkaroon ng constitutional problem.
Ito ay oras na walang mahalal na mga bagong opisyal pagsapit ng pagtatapos ng termino ng administrasyon sa June 30.
Oras anya na makansela ang halalan sa Mayo, mag step down o baba siya sa puwesto sa pagbalik ng kanilang sesyon sa huling linggo ng Mayo.
Sa ganitong paraan ay makapag elect sila ng bagong Senate President na aaktong pangulo ng bansa hanggang sa maisagawa ang halalan. ulat mula kay Cely Ortega Bueno