Ngayong araw ang huling pagkakataon para mangampanya ang mga kumakandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.
Kaugnay nito, nagpaalala ang COMELEC o Commission on Elections na ipinagbabawal na ang pangangampanya ng mga kandidato bukas, Linggo at lalong – lalo na sa Lunes, mismong araw ng eleksyon.
Pagpatak naman ng 12:00 ng madaling araw ng linggo ay ipatutupad naman ang liquor ban kung saan ipagbabawal ang pagbebenta at pagbili ng alak maliban sa mga establisyimento na may exemption sa COMELEC.
Matatapos na rin ngayong araw ang pagsasanay ng mga guro na magsisilbing electoral board members sa halalan sa lunes.