Pinaalalahanan ni Commission on Elections o Comelec spokesperson director James Jimenez ang mga celebrity endorsers na huwag gamitin ang kanilang mga platforms para mangampanya ng mga kandidato sa pulitika.
Sa ilalim ng Election Law, sinabi ni Jimenez na ang mga kandidatong may programa ay dapat na magbakasyon o umalis muna sa kanilang programa dahil ang paggamit ng mga platform ay posibleng maging isyu at maaaring ituring na “donated advertising time”.
Samantala, nagbigay ng plataporma ang ahensya para sa libreng live streaming ng mga online political rallies ng national candidates sa gitna ng pandemya. —sa panulat ni Airiam Sancho