Ipinaalala ng COMELEC sa mga kandidato na posibleng ma-disqualify kapag napatunayang nagbayad ng permit to campaign at permit to win fees sa CPP NPA NDF.
Ito ay matapos aprubahan ng COMELEC ang hiling ng AFP na maglabas ng resolusyon hinggil sa mga parusang maaaring ipataw sa mga kandidatong nagbabayad ng mga naturang fee.
Maituturing na paglabag sa Section 261 ng Omnibus Election Code ang pagbabnayad ng mga nasabing fee na maihahalintulad saa pagbebenta ng boto, pananakot, intimidation, terorismo, paggamit ng fraudulent devices at iba pa na maaaring kasuhan ng COMELEC at iba pang ahensya ng gobyerno.
Ang paniningil ng NPA sa mga kandidato ay paglabag din umano sa Republic Act 10168 o The Terrorism Financing Prevention and Suprression Act of 2012 at maging ng Anti Terrorism Act.