Pinaalalahanan ng Commission on Elections (COMELEC) ang mga kandidato hinggil sa pagbabawal sa pangangampanya tuwing Huwebes Santo at Biyernes Santo.
Ayon kay COMELEC Commissioner George Garcia, isa itong election offense na maaaring magdulot ng diskwalipikasyon sa mga lalabag na political candidates.
Dapat aniyang hayaan ng mga kandidato ang mga bontante na ipagdiwang ang religious holidays sa panahon ng Semana Santa.
Una nang sinabi ng COMELEC na itinuturing bilang “quiet period” ang mga nasabing araw at mahaharap sa isa hanggang anim na taong pagkakakulong ang mga kandidato na mangangampaya.