Nilinaw ng Commission on Elections (COMELEC) na 105,000 lamang at hindi mahigit limang milyong naimprentang balota para sa may 2022 Polls ang makukusiderang ”bad ballots”.
Paliwanag ng poll body, naisama lamang sa bilang ang mga good ballot na ka-batch ng mga depektibong balota.
Ayon kay COMELEC Commissioner George Garcia, mahigit 3.3 milyon ay ”good ballots” habang 1.9 milyon ang ibeberipika pa.
Itinuturing na bad ballots ang mga balotang may dumi, hindi tama ang kulay, may excess lines, hindi tama ang putol, at iba pang printing errors.
Samantala, upang matiyak ang transparency sa electoral process, sinabi ng COMELEC na muli itong magsasagawa ng random testing sa mga printed ballot na bubuksan sa mga observer.