Kumpiyansa si Senate Committee on Electoral Reforms Chairman Koko Pimentel na mayroong sapat na kapangyarihan ang Commission on Elections (COMELEC) para magdeklara ng mga nuisance candidate.
Ito ay matapos dumagsa sa unang araw ng paghahain ng certificate of candidacy ang ilang kandidato na una nang naideklarang nuisance candidates.
Aminado ang senador na mahirap basta-basta mag deklara kung sino sa mga kandidato ang maaaring ituring na nuisance candidate, at dahil dito, patuloy aniya nilang pinaplantsa ang batas hinggil dito.
By Katrina Valle | Cely Bueno (Patrol 19)