Umapela ang Commission on Elections (COMELEC) sa kumpanya na magkaroon ng biometrics day ang mga empleyado.
Ito ay para makapagkuha ng biometrics ang kanilang mga empelyado upang makaboto sa 2016 elections.
Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, dapat na maglaan ng isang araw sa empleyado para makabisita sa mga COMELEC offices.
Aniya, madalas kasing nagiging dahilan ang kanilang trabaho kaya’t hindi makapagparehistro o kaya naman ay makapagpa-biometrics.
By Rianne Briones