Muling binuksan ng Commission on Elections ang voter’s registration sa January 20, 2020.
Ayon kay COMELEC spokesman James Jimenez, hinikayat ang mga kabataan na bago pa lamang boboto at iba pang hindi nakapagpapa rehistro na magparehistro na upang makaboto sa susunod na election.
Gagawin ang registration mula Lunes hanggang Sabado kabilang ang holidays mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng gabi.
Bukod sa pagpaparehistro bukas din ang mga tanggapan ng COMELEC para sa pag po-proseso ng transfer of registration records, change o correction of entries, reactivation at reinstatement ng pangalan sa voter’s list.
Tatagal ang registration period hanggang September 30, 2021.