Muling magsasagawa ng voter registrations ang Comission on Elections (Comelec), sakaling maisapinal na ang pagpapaliban ng barangay at sangguniang kabataan o bsk elections.
Matatandaang inaprubahan ng Senado at ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang ipagpaliban ang bske sa susunod na taon.
Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, kung hindi matutuloy sa December 5, 2022 ang halalan, kanilang itutuloy ang pagpaparehistro sa November 2022 hanggang June 2023 dahil nasa pito hanggang siyam na milyong botante pa ang hindi pa nakakapag-parehistro.
Sakop ng pagpaparehistro ang mga botanteng na-deactivate o na-expired na ang registration.
Iginiit naman ni Garcia na handa ang Comelec, matuloy man o hindi ang eleksiyon ngayong taon.